1.12.2008

Ulap

Mamula-mula't madilaw-dilaw na kahali-halinang binibini ay naglalakad sa ulap. Paminsan-minsan, waring kamangha-mangha, may mga dumaraan sa kalagitnaan ng ulap upang dagliang lumaho. Habang ang ulap ay panandaliang nawawala, matatanaw ang isang tahimik na ilog na dumadaloy sa may kalayuan. Nadarama ng kahali-halinang binibini na ang kanyang sarili ay lumalaya mula sa kanyang mismong sarili at mula sa panahon. Ang kanyang mga karamdaman ay magulung-magulo.

Isang binatang naka-motor ay nakasandal sa kanyang motorsiklo sa kalagitnaan ng ulap. Isang nagbabagang kulay kahel ang masiglang umaagos habang ang pansariling puwang ng kahali-halinang binibini at ng binata ay naging isa.Isang ngiti ang nagnining-ning sa mukha ng binata habang puno ng ligayang bumigkas: "Ikaw."

"Tayo." Sagot ng kahali-halinang binibini na hinuhubad ang kanyang buong pagka-alamid upang bigyang diin ang nag-iisang salitang iyon. "Gusto mo ba ang aking oras?"

Mamula-mula't madilaw-dilaw na kahali-halinang binibini ay marahang umaakayat ng hagdan habang nakasunod ang binata. mga mata ng binata ay magiliw na tumititig sa kutis ng binibini.

1 kommentti:

Katja Tanskanen kirjoitti...

Miltäköhän planeetalta Peikko on oikein tänne Suomen metsiin tullut?

Katja hämmästelee Peikon taitoja, vaikkei ihan kaikkea ymmärräkään.