Isang oso at isang alamid ang nakaupo sa may tabing-lawa sa tapat ng isang sauna. Ang kainitan ng sauna ay sumasamyo sa hangin. Ang magkakaibigan ay linilimliman ang sauna upang lumikha ng kaiga-igayang nakakapawis na init.
Kinapa ng oso ang ilalim ng kanyang balahibo, lingat na kinamot ang kanyang tiyan at humikab, "Malapit na ang oras para matulog." Tumango ang alamid.
May isang maliit at batang lobo na gagala-gala sa kalaliman ng kagubatan. Nalanghap niya ang singaw na nagmumula sa sauna at tinuklas niya ang daan patungo rito. Ang maliit na lobo ay nanatiling pansamantala sa may gilid ng gubat at minasid ang ginagawa ng magkakaibigan. Dahil sa kasabikan, nilapitan nito sila at nagsabing, "Lobo ay gustong mag sauna rin."
"Maari," sang-ayon ng oso na walang pag-aatubili. Kaakit-akit na ngumisi ang alamid at pabirong nangako, "Maaari ka ring lumangoy."
Ilang sandali lamang, mga mauusok na tinig na ganap ng nalimliman at mga masasayang daldalan ang maririnig mula sa sauna." Panay ang paghihikab ng oso at malapit na siyang makatulog sa ibabaw ng bangko ng sauna. Ang lobo at ang maliit na alamid ay nagpapalitang ginigising siya. Sa labas ng sauna, tatlong iba't-ibang balahibo ang makikitang pinapahanginan.
Pagkatapos manatili ng mahaba at maginhawang mga sandali sa sauna, lumikas ang magkakaibigan patungo sa asyenda ng oso. Nagbigay ang alamid ng mga berdeng piraso ng pagkain mula sa kanyang pananghaliang sisidlan sa oso, na halos agad-agad ay nakatulog sa supa. Ang alamid at ang maliit na lobo ay naupo at pinakinggan ang dumadagundong na hilik ng oso. Nakahanap ka ba ng mga kuwento, lobo?", tanong ng alamid na naka-kiling ang ulo. "Maaari mo bang ibahagi sila?"
Ang maliit at batang lobo ay damang-dama ang kanyang pagiging sapat sa gulang habang siya'y nagsasalaysay sa alamid. Ang hilik ng oso ay maihahambing sa isang lumang awiting pampanaginip sa likuran. Nagagalak ang alamid sa natatanging sandaling ito.
14.5.2008
Tayo na sa Sauna
Tilaa:
Lähetä kommentteja (Atom)
Ei kommentteja:
Lähetä kommentti