5.5.2008

Ang Mukha ng Pagka-Alamid

"Kapatid", tanong ng alamid sa isang alamid. "Sabihin mo nga sa akin kung bakit iyang alamid ay nakatira sa ilalim ng tubig?"

"Sabihin mo nga sa akin kung bakit ikaw ay laging nakasabay sa aking pag-inom. Sabihin mo nga sa akin kung bakit ang ating mga ilong ay nakadikit kapag tayo ay umiinon. Sabihin mo nga sa akin kung bakit ang ating mga mata ay kapwa kumikinang katulad ng pagka-alamid na nadarama ko sa loob nitong alamid. "

"Kapatid", sagot ng isang alamid sa alamid. Sabihin mo nga sa akin kung bakit iyang alamid ay nasa hangin."

"Sabihin mo nga sa akin kung paanong nalalaman mo kung kailan dapat maghintay diyan tuwing gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Sabihin mo nga sa akin kung paanong alam mo kung kailan kuskusin ang iyong ilong sa aking ilong." Sabihin mo nga sa akin kung paanong ang iyong umuugoy na buntot ay nadaramang kumukuskos din sa buntot nitong alamid."

Ang magkapatid na alamid ay magkalapit na naglalakad na magkatulad ang hakbang sa gilid ng dagat. Isang bakas ng ngiti na magkatulad ang huwaran ang umalon sa panulukan ng kanilang mga bibig. Ang pagka-alamid ay nadaragdagan sa kanilang bawat hakbang.

2 kommenttia:

Anonyymi kirjoitti...

Mikä kieli? (Ei niin aavistusta) indonesia? albania?

isopeikko kirjoitti...

Tagalog on yksi Filippiinien pääkielistä. Siitä on Wikimediassa aika pitkä artikkeli englanniksi ja suomeksi.