Ang pantropikong araw ay pinapasidhi ang nag-aapoy na kainitan sa mga kalsada. Dumidikit sa katawan ang mga damit at malagkit sa pakiramdam dahil sa kahalumigmigan ng panahon. Walang anumang mga anino. Ang sinag ng araw ay bumababa mula sa kalagitnaan ng langit.
Ang lalaki ay nagmamadali patungo sa kanyang otel. Nagtutungayaw siya sa kanyang katangahan na hindi dapat siya namasyal sa ilalim ng kainitan ng araw. Nagpasya siyang kunin ang malapit na daan tungo sa mga lugar na di pa niya dating napupuntahan.
Lubhang napakalaki, marangaya at naka- air conditioned ang puwesto ng pamilihan. Naglilibang siya habang naglalakad sa kalamigan ng mall. Sa isang bangko, may nakaupong dalagita na may kasamang isang asong Samoyed na may makapal na balahibong kulay puti. Nakalawit ang dila ng aso at makikitang lubhang naiinitan ito.
- Masyado atang makapal ang balahibo ng iyong aso para sa ganitong klaseng klima, wika ng lalaki habang tinuturo ang Samoyed.
- Hindi ko aso ito, sagot ng dalagita. - Ako ay isang yaya lamang ng aso. Sa bahay, meron siyang sariling silid na may air condition. Kadalasan, panandalian lamang siyang lumalabas sa gabi kung kailan may kalamigan ang panahon, upang maka-langhap siya ng sariwang hangin.
- Isang mayamang napakarungis na aso, sambit ng lalaki habang umiiling ang kanyang ulo. - Nakasisiguro ako na atay lamang ng gansa ang kinakain nito.
- Hindi ang aso kundi ang kanyang amo ang marangya. At eto pa, ang mga aso ay hindi madalas kumain ng atay ng gansa. Kalimitan, sila ay pinapakain ng mga pagkaing pang-aso na inaangkat pa mula sa Amerika at Europa.
Umiling-iling ang lalaki at nagtungo na sa otel habang nag-iisip ng malalim. Kapag-daka'y naulinigan niyang ibang-iba na ang kapaligiran. Ang mararangyang condominium, mga malalaking bahay, mga puwesto ng pamilihan at mga mamahaling kainan ay napalitan na ng mga barungbarong at kubu-kubuhan.
Natigilan ang lalaki sa mga tinig ng mga batang naglalaro. Pinanood niya ang mga masasayang paslit na di man lang alintana ang kanilang kahirapan at karungisan. Naglalaro ang mga bata sa putikan at nagkukunwaring ito ay paliguan. Para bagang gusto nilang makisali sa mga pangyayari sa kabila ng mga nagtataasang pader sa iba pang lugar ng bayan.
- Magaganda, di ba?
Nagulantang ang lalaki. May isang taong mukhang bugaw ang biglang lumitaw sa tabi niya. Hindi siya sumagot ng ni isang salita, bagkos ay pagalit na lumisan at itinuloy ang kanyang paglalakad tungo sa otel. Hinabol siya ng bugaw, hinawakan ang kanyang braso at mapilit na sinabing:
- Gusto mo bang bilhin ang isa sa mga batang babaeng ito? O baka naman mas gusto mo ang mga batang lalaki? Hoy mama, huwag kang lumayo, ang mga paslit na ito ay di pa nakakatikim...
26.5.2008
Ang Mga Marurungis
Tilaa:
Lähetä kommentteja (Atom)
Ei kommentteja:
Lähetä kommentti