Ang nakahahalinang dalaga ay kabigha-bighaning pinakawalan ang kanyang belo. Tinangay ng hangin ang manipis na belo at inilipad sa isang puno sa bilugang pagitan sa gubat. Ang binata ay naghihintay sa nagsasayaw na dalaga habang siya ay nakaupo sa isang kumot na malapit sa dalaga.
Meron pa siyang anim na belo at anim pang katotohang dapat palayain. Ang paglaya ng unang belo ay ibinunyag ang ayos ng kanyang buhok na mala-pakpak ng ibong sumisinag ng kulay kahel. Habang nagpapatuloy sa pagsasayaw ang dalaga, dahan-dahan din niyang inihahayag ang kanyang bawa't lihim: ang kanyang puting ngiti, isang tatu ng alamid sa kanyang balikat, isang butas sa kanyang puson, ang kanyang maalindog na pang-itaas na sing-itim ng uling.
Ang binata ay nakadarama ng kaalaban ng damdamin. Ang dalaga ay siyang pinaka-marikit na nakita niya, ang pinaka-marikit, sa paniniwala niya, na makikita niya sa mahabang panahon. Hinintay ng binata ang pagpapalaya ng dalaga sa huli, ang ika-pitong belo.
Ang kanyang mukha ay nagpapahiwatig ng matibay na pagpapasya habang linuluwagan niya ang kanyang mahigpit na paghawak sa huling belo. Iniutan ng dalaga ang kanyang kamay at tinitigan ito ng binata nang may-pagnanasa. Sa daliri ng dalaga ay may isang singsing na namumulupot sa siyam na silong pilak.
Huminto siya sa pagsasayaw at walang-kakibo-kibong tumayo sa harapan ng binata at sinabing:
- Ipinangako ko na ang aking sarili. Umiibig ako sa isang babae.
- Ngunit...
- Ito ang katotohanan. Matagal na akong umiibig. Hindi mo gustong malaman.
- Ngunit...
Sa ilang hakbang mararahan, iniwan ng dalaga ang bilugang pagitan sa gubat. Pitong maninipis na belo ang umaalon-alon sa likuran niya tulad ng mga sumisinag na usok sa buntot ng buntala. Ang binata ay nagulumihanan habang ang kanyang hangarin ay naglalaho sa kagubatan.
1.10.2008
Ang Ika-Pitong Katotohanan
Tilaa:
Lähetä kommentteja (Atom)
Ei kommentteja:
Lähetä kommentti