Pinakawalan ng lalaki ang mahigpit na pagkakahawak sa pawn matapos niyang galawin ang kanyang buhay sa damahan. Ang pawn ay madaling nalunod sa balaho ng parisukat. Ang pawn ay matinding humiyaw habang pinapakawalan niya ang sarili mula sa balaho. Iniunat ng lalaki ang kanyang kamay upang minsan pang ilipat ang pawn nguni't natanto niya na ang orasan ng ahedres ay bumibilang ng oras para lamang sa kanyang kalaban. Nakaka-wasak pusong humikbi ang pawn.
Gumawa ng sariling galaw si Babaeng Kamatayan. "Check sa tatlong galaw. Dapat mong tandaan na ang bawa't piliin mo ay di maaaring baligtarin o baguhin."
Tumitiktak ang orasan ng ahedres para sa lalaki. Ito na ang kanyang natatanging panahon. Minamasid niya ang paglalaro ng kanyang kalaban at kung papaanong matatapos ito sa nakasasawing wakas. Alam niyang tunay na wala siyang karanasan bilang manlalaro kung ihahambing sa kanyang kalaban, at marahil, sa malao't madali'y matatalo siya. Gayunpaman, inilayo niya ng husto ang halos nalulunod na pawn mula sa balaho.
Gumalaw si Babaeng Kamatayan. "Check sa dalawang galaw, checkmate sa tatlo. May oras ka pa."
Naririnig ng lalaki ang marahang tik-tak ng orasan. Malapit ng matapos ang paligsahan sa pagwawagi ang kanyang kalaban. Tahimik na nag-iiyakan ang mga pamato ng ahedres. Itinaas ng lalaki ang kanyang mga mata at sinalubong ang walang damdaming titig ng kanyang kalaban. "Pinaglalaruan mo ba ang aking mga pagkakamali o ginagamit mo ang iyong sariling karunungan?"
Nanatiling tahimik si Babaeng Kamatayan.
Pinalitan ng lalaki ang mga alituntunin ng paligsahan at dahil dito, nabago ang situwasyon. "Stalemate."
Tumango si Babaeng Kamatayan. Iniwan niya ang paligsahan at lumayo. Nguni't, huminto siya't nagsabing: "Isang mahusay na galaw. Nauunawaan ko na ngayon."
1.9.2008
Ang Paligsahan
Tilaa:
Lähetä kommentteja (Atom)
Ei kommentteja:
Lähetä kommentti