8.7.2008

Ang Mga Batas ng Trapiko

Ang bata ay nakatayo kasama ang kanyang ina sa tabi ng daan habang naghihintay ng isang sasakyan. Paminsan-minsan, may mga sasakyang dumaraan ngunit ni isa ay hindi tumutugon sa kanilang pangangailangan. Makikitang lubhang natatakot ang bata.

"Nanay", napakasakit kaya?"

"Hindi, huwag kang mag-alala. Ni hindi mo mararamdaman ang buong pangyayari. At pag natapos na, magiging magaan na ang buhay."

Ang patnugot ay nakaupo sa likod ng sasakyang minamaneho ng isang tsuper. Ninunuynuy niya ang isang mahusay na pamamaraan para sa darating na pulong pangkalakal. Pagkaraka, ang tsuper ay nagmamadaling inugitan ang manibela at mariing tinapakan ang preno. Namutla ang tsuper sa narinig na kalabog at itinigil niya ang sasakyan.

"Atras", pag-uutos ng patnugot sa nasisindak na tsuper.

Ini-atras ng tsuper ang sasakyan sa lugar na pinangyarihan ng sakuna, samantalang sa mga bintana ng kotseng madilim ang kulayan ay pinagmamasdan ng patnugot ang nagaganap.

"Buhay pa rin", buntong-hininga ng patnugot. "Gulungan mo uli! Napakalupit kung hahayaan nating higit pang mag-dusa yan. Laging ganito ang kuwento sa lugar na ito. Itinutulak nila ang kanilang mga pasaway na anak sa harapan ng sasakyan upang makakuha sila ng bayad o panghabang-buhay na sustento. Sa ganang atin, mas mura ang pagbabayad sa pagpapalibing."

"Mga dukha sila", sang-ayon ng tsuper habang pinapatulin niya ang pagtakbo ng sasakyan. Sa ngayon, humupa na ang kanyang pagka-balisa hingil sa pagbabayad ng mga gastusing pagpapagamot ng bata."Gayon na lamang ang kanilang kahirapan na kahit ang mga bahagi ng kanilang mga katawan ay binebenta nila, makakuha lamang ng perang pambili ng makakain."

Nadurog ang dibdib ng biktima sa ilalim ng gulong ng mabigat na sasakyan. Ikinandado ng tsuper ang mga pinto at inilipat ang sasakyan sa tabi ng kalsada. May tinawagan ang patnugot sa kanyang cellphone upang ipagpaliban ng dalawampung minuto ang pulong pangkalakal. May tumutugtog na awiting banayad sa radyo habang kumukuha ang patnugot ng kaunting salapi sa kanyang pitaka upang ipang-suhol sa paparating na pulis.

Ei kommentteja: